Biyernes, Marso 1, 2013

                            Rehiyon ng Bicol
                
   



"Mga Kababayan, Halina kayo at sumama sa aming biyahe patungong Bicol. Tara na at alamin natin ang mga bagay na hindi niyo pa nalalaman o nakikita. Tinitiyak namin na sa bawat Larawan at deskripsyon ng mga ito ay tiyak, KAIIBIGAN niyo!"




Ang Bicol ay isang lugar na makikita sa parte ng Luzon. Dito masisilayan ang iba't-ibang tanawin na di niyo pa nakikita at nalalaman, Mga pagkaing di niyo pa natitikman at mga produkto ng Bicol na sa Bayan ng Bicol niyo lang din makikita... 
 
 
Ang Kasaysayan ng Bicol
 Ang Lugar ng Bicol ay nakilala sa buong pilipinas simula ng sumabog ang bulkang mayon na gumising sa milyong-milyong pilipino. Naapektuhan ang mga karatig lugar nito, ang Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Sorsogon. Muli ulit nakilala ang lugar ng Bicol ng umpisahan ng mga tao dito ang pagdiriwang Tinagba Festival sa lungsod ng Iraga sa Bicol. Lalo naman nagpaakit sa mga mata ng mga turista na dumadayo sa pilipinas ng madiskubre ng mga tao sa bicol ang mga "Beaches" na matatagpuan sa iba't-ibang lugar sa Bicol. Naging Inspirasyon ito ng mga tao dito para lalo pa nila pagandahin ang kanilang mga natatanging lugar at makilala pa sa buong mundo.
 

Pagdiriwang ng Tinagba sa Iraga, Bicol
 
 
 
Nang nagsimulang makilala sa buong pilipinas ang pagdiriwang ng Tinagba sa bayan ng Iraga, Bicol. Nagsimulang akitin nito ang mga mata ng mga pilipino sa iba't-ibang panig ng bansa. Pati na rin ang mga turista na dumadayo taon-taon sa Pilipinas. Ang kanilang mga hinahanda na pagkain tuwing ipagdiriwang ang fiesta katulad nito ay hindi rin magpapatalo sa sarap galing sa iba't-ibang taong nagluto nito. Di rin mapapantayan ang suot ng mga nagtatanghal ng presentasyon sa gitna ng mga kalye sa Iraga, Bicol. Pati ang mga ngiti na makikita mo mula sa kanilang mga labi na tila'y hindi iniida ang init kahit sila'y nakyapk lang. Kaya sabi ng isang tao dito, "Di talaga mapapantayan ang aming fiesta dito sa Bicol, at sa tingin namin dadami pa ang dadayo mapa kapwa natin pilipino o mapa turista man. Di pa rin nila ipagpaalit ang Tinagba Festival na nakita nila mula noon, Hanggang ngayon"
 


 
 



Mga Pamumuhay ng mga tao sa Bicol

Maraming tao na naninirahan sa bicol na ang tanging ikinabubuhay lang nila ay ang pangingisdada, pagtatanim, pagmimina sa kabundukan at pagtotroso. Marami sa kanila nagiging mahirap sa kawalan ng pagkakakitaan dahil na rin sa kawalan ng hanap-buhay. Hindi ganoon karami at kaganda ang mga nahahanap na pwedeng pagkabuhayan dito. Ang iba naman sa kanila ay nawawalan na lang agad-agad ng hanap-buhay dahil sa nauubus na rin ang mga pwede nilang pagkakitaan. Alam naman nating dito lang umaasa ang mga tao sa lugar ng Bicol at sa iba pang probinsya. Kaya pag wala ng mahanap ng pagkakakitaan, mauuwi na lang sa kagutuman ng kanilang mga anak at pamilya. Kaya nga kailangan nating magsumikap para sa pagdating ng mga panahon na wala na tayong trabaho, alam na natin kung ano-ano ang mga paraan ang gagawin mairaos lang ang pamilya sa kahirapan.


                               
         Mga Magagandang tanawin sa Lugar ng Bicol



Camarines Sur Water Sports Complex


  Native Cottages of Camarines Sur

                       
                     
 Cagsawa Church in Albay 



The Virgin Penafrancia Church in Naga City



Mga Produkto ng Bicol




Abaka Shoes
Pili Nuts



Gayon



Abaka Coin Purse



Mga Pagkain ng mga Taga Bicol



Bicol Express



Chicken Adobo: Bicol Style



Laing


"Maraming salamat sa inyong pagbisita sa aming ginawang blog, Sana marami kayong natutunan o nalaman sa aming ginawa. Hanggang sa Muli!"
 

 
 
 
 
 
 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento