"Mga Kababayan, Halina kayo at sumama sa aming biyahe patungong Bicol. Tara na at alamin natin ang mga bagay na hindi niyo pa nalalaman o nakikita. Tinitiyak namin na sa bawat Larawan at deskripsyon ng mga ito ay tiyak, KAIIBIGAN niyo!"
Ang Bicol ay
isang lugar na makikita sa parte ng Luzon. Dito masisilayan ang
iba't-ibang tanawin na di niyo pa nakikita at nalalaman, Mga pagkaing di
niyo pa natitikman at mga produkto ng Bicol na sa Bayan ng Bicol niyo
lang din makikita...
Ang Kasaysayan ng Bicol
Ang Lugar ng Bicol ay nakilala sa buong pilipinas simula ng sumabog ang bulkang mayon na gumising sa milyong-milyong pilipino. Naapektuhan ang mga karatig lugar nito, ang Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Sorsogon. Muli ulit nakilala ang lugar ng Bicol ng umpisahan ng mga tao dito ang pagdiriwang Tinagba Festival sa lungsod ng Iraga sa Bicol. Lalo naman nagpaakit sa mga mata ng mga turista na dumadayo sa pilipinas ng madiskubre ng mga tao sa bicol ang mga "Beaches" na matatagpuan sa iba't-ibang lugar sa Bicol. Naging Inspirasyon ito ng mga tao dito para lalo pa nila pagandahin ang kanilang mga natatanging lugar at makilala pa sa buong mundo.
Pagdiriwang ng Tinagba sa Iraga, Bicol
Nang nagsimulang makilala sa buong pilipinas ang pagdiriwang ng Tinagba sa bayan ng Iraga, Bicol. Nagsimulang akitin nito ang mga mata ng mga pilipino sa iba't-ibang panig ng bansa. Pati na rin ang mga turista na dumadayo taon-taon sa Pilipinas. Ang kanilang mga hinahanda na pagkain tuwing ipagdiriwang ang fiesta katulad nito ay hindi rin magpapatalo sa sarap galing sa iba't-ibang taong nagluto nito. Di rin mapapantayan ang suot ng mga nagtatanghal ng presentasyon sa gitna ng mga kalye sa Iraga, Bicol. Pati ang mga ngiti na makikita mo mula sa kanilang mga labi na tila'y hindi iniida ang init kahit sila'y nakyapk lang. Kaya sabi ng isang tao dito, "Di talaga mapapantayan ang aming fiesta dito sa Bicol, at sa tingin namin dadami pa ang dadayo mapa kapwa natin pilipino o mapa turista man. Di pa rin nila ipagpaalit ang Tinagba Festival na nakita nila mula noon, Hanggang ngayon"
Mga Pamumuhay ng mga tao sa Bicol
Maraming tao na
naninirahan sa bicol na ang tanging ikinabubuhay lang nila ay ang
pangingisdada, pagtatanim, pagmimina sa kabundukan at pagtotroso. Marami
sa kanila nagiging mahirap sa kawalan ng pagkakakitaan dahil na rin sa
kawalan ng hanap-buhay. Hindi ganoon karami at kaganda ang mga nahahanap
na pwedeng pagkabuhayan dito. Ang iba naman sa kanila ay nawawalan na
lang agad-agad ng hanap-buhay dahil sa nauubus na rin ang mga pwede
nilang pagkakitaan. Alam naman nating dito lang umaasa ang mga tao sa
lugar ng Bicol at sa iba pang probinsya. Kaya pag wala ng mahanap ng
pagkakakitaan, mauuwi na lang sa kagutuman ng kanilang mga anak at
pamilya. Kaya nga kailangan nating magsumikap para sa pagdating ng mga
panahon na wala na tayong trabaho, alam na natin kung ano-ano ang mga
paraan ang gagawin mairaos lang ang pamilya sa kahirapan.
Mga Magagandang tanawin sa Lugar ng Bicol
Camarines Sur Water Sports Complex
Native Cottages of Camarines Sur
Cagsawa Church in Albay
The Virgin Penafrancia Church in Naga City
Mga Produkto ng Bicol
Abaka Shoes
Pili Nuts
Gayon
Abaka Coin Purse
Mga Pagkain ng mga Taga Bicol
Bicol Express
Chicken Adobo: Bicol Style
Laing
"Maraming
salamat sa inyong pagbisita sa aming ginawang blog, Sana marami kayong
natutunan o nalaman sa aming ginawa. Hanggang sa Muli!"